← Back to archive
To: Elyza May7th of May, 2026Thank you

Hi love. It has been really a long time since I wrote you a letter like this and I really miss you sobra. Di ako makatulog eh, pinapanood ko nalang mga videos natin and throwbacks. I wanna thank you love. Thank you kasi ikaw ka, nandiyan ka palagi, at thank you dahil ikaw ang girlfriend ko. Alam mo love I can’t thank the Lord enough for all the people around me na nagmamahal sakin at isa ka dun. Thank you dahil sa dami ng rason para sukuan ako, pero pinipili mo parin ako. Thank you dahil despite nang lahat ng mga mali kong choices in life ay hindi ka kasama don. Thank you dahil nagagawa mo akong mahalin even on my bad days. Thank you for every time you choose to stay when it gets hard for the both of us. Mahal na mahal kita love at seryosong seryoso ako na paninindigan ko na makasama kita habang buhay. Kahit humirap man ang sitwasyon at papiliin ako ng mundo at kahit magbaligtad pa yung mundo at makalimot at mawala na ko sa mundong to, palaging nandiyan yung pagmamahal ko sayo. Love thank you dahil mag 2 years na tayo at kahit nagkakaroon tayo ng mga bagay o alitan na pinaglalayo tayo eh nahahanap parin natin pabalik sa isa’t isa. Sorry kung minsan umaabot tayo sa samaan ng loob at nauubos ang pasensya ko sayo at sorry din kung masakit ako minsan mag salita at walang preno. Sorry din sa mga araw na kailangan mo ako sa tabi mo pero wala ako. Sorry sa lahat ng kasalanan ko sayo na hanggang ngayon dinidibdib mo pa. Lahat yun pinagsisisihan ko at ginagawa kong aral, okay? Sana maintindihan mo rin love na malaki naman tiwala ko sayo. Pasensya kung minsan feeling mo napaghihigpitan kita pero hindi love, it’s just that I care for u too much to the point na napapraning ako - lalo pag nalalasing ka. Love nakita mo ba akong naghigpit sayo with your friends? Diba hindi rin naman, it’s just that wala pa talaga akong idea kung sino at anong klaseng tao mga kasama mo, and I’m really concerned for you. Pano kung isa diyan kagaya ulit ng nakwento mo sakin yung kayo nila Ramell, diba? Ayokong hayaan na may mangyari sayong ganun lalo na ngayon na meron kang ako. Anyways, sana maintindihan mo na hindi pa talaga ako panatag love, please. Kung tingin mo hindi ako nagiging fair sayo. I’m sorry, but please do understand na never akong hindi nag open sayo before. Lahat naman ng nangyayari araw araw naririnig mo sakin, kung anong tao ba si ganto ganyan, meron ka pang Ate Kressa at Cielo na pwedeng mong malapitan o mapaghanapan kung sakaling mawala ako. Baligtarin mo ngayon, ako ba meron? Wala love diba. Anyway, May. Sana habang natagal tayo mas lalo pa tayong tumatag at mag grow, ikaw na nagsabi hindi na tayo bata. Ang dami kong pangarap para satin love, at isa na dun yung mamuhay tayong masaya kahit simple lang, bonus na kung at sana yumaman tayo ng sobra and wish ko na makuha mo lahat ng pangarap at gusto mo at pangako na susuportahan kita at lagi akong nasa likod mo. At sana malaman mo na habang tumatagal tayo, mas lumalalim yung pagmamahal ko sayo, yung pagmamahal na kahit nakakasakit minsan yung mga pinag dadaanan natin, hindi parin ako napapagod piliin ka. Kasi ikaw yung pahinga ko love. Ikaw yung taong gusto kong uwian pagkatapos ng nakakapagod na araw. Ikaw yung gusto kong makasama sa maliliit na bagay - kumain sa labas, mag grocery, manood, mag travel, o kahit humiga lang habang magkausap tayo tungkol sa buhay natin. Hindi ko alam anong mangyayari satin in the future pero ang alam ko lang, araw araw kitang pipiliin hangga’t kaya ko. Hindi man ako perfect na boyfriend at madalas nagkukulang, sana makita mo parin na totoo lahat ng intensyon ko sayo. Hindi kita niloloko sa mga pangarap ko para satin. Gusto kitang makasama habang buhay, sa maayos na buhay, sa tahimik na bahay, at sa future na pareho nating pinaghihirapan. At kung dumating man yung araw na pareho tayong pagod, sana wag natin kalimutan kung paano tayo nagsimula. Sana lagi nating piliing intindihin ang isa’t isa kaysa sukuan yung relasyon natin. Kasi love, bihira lang makahanap ng taong handang samahan ka habang binubuo mo pa yung sarili mo, at ikaw yun sakin. Mahal na mahal kita, May. At habang tumatagal, mas sigurado ako na ikaw yung gusto kong makasama sa lahat ng susunod pang chapters ng buhay ko. Good night love, matutulog na ako, thank you ulit. Mahal na mahal kita

This letter moved you?

Dear you is free and independent. A coffee keeps it running.

☕ Buy me a coffee