My Dearest Dave, Happy 3rd Anniversary, my love. 🤍 Akala ko noon hindi tunay ang pag-ibig. Akala ko walang totoo. Akala ko sa pelikula lang nangyayari yung mga pagmamahalang kayang maghintay, umunawa, at manatili kahit mahirap. Buong buhay ko, naniwala akong walang taong kayang mahalin ako nang buong-buo at walang kondisyon. But then, dumating ka. Noong una mong sinabi sa akin na gusto mo ako, hindi ako naniwala. Akala ko biro lamang ang lahat. Akala ko isa lang itong panandaliang damdamin na mawawala rin kalaunan. Hindi ko akalaing yung bagay na pinaka kinatatakutan ko, ang magmahal at magtiwala, ay siya mong haharapin nang buong tapang. Hindi ko malilimutan kung paano mong kinausap sila Pastor at kung paano mo hinanap ang gabay ng Diyos para sa atin. Doon ko nakita kung gaano kaseryoso ang pagmamahal mo, at doon unti-unting naniwala ang puso kong matagal nang takot masaktan. I never thought I would meet someone who is willing to love me wholeheartedly. Someone who would stay, understand me, and choose me every single day. Ang dami nang panahon ang lumipas. Yung dating Dave na minahal ko noon, unti-unti nang nagbago. Pero hindi iyon pagbabago na ikinakatakot ko. Nakita kong hinuhubog ka ng Diyos para maging mas mabuting tao, mas mabuting lalaki, at mas mabuting lingkod Niya. And seeing you grow closer to Him made me love you even more. Marami tayong pinagdaanan. Maraming sitwasyon ang sumubok na ilayo tayo sa isa’t isa, pero paulit-ulit pa rin tayong bumabalik sa kung ano ang sinasabi ng puso natin. Siguro ito talaga ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Choosing each other even when things get hard. There were so many moments when I wanted to hold you closer and kiss you, but we both chose to wait because we want to protect the promises we made to God and to each other. Thank you, my love, for being patient with me and for choosing to wait with me. Hindi ko akalaing may taong kayang magtiis at iwan ang pansariling kagustuhan para sa pangarap nating dalawa at para sa plano ng Diyos para sa atin. Kaya salamat, mahal ko. Thank you for understanding me lalo na sa mga lowest points ng buhay ko. Ikaw yung taong nandiyan kapag umiiyak ako. Ikaw yung taong kayang magpagaan ng loob ko kahit wala kang sabihin. Kapag nandiyan ka, pakiramdam ko tumatahimik ang mundo at tayong dalawa lang ang mahalaga. Thank you for correcting me when I’m wrong, and thank you for always making me smile. Walang anumang bagay sa mundo ang kayang pumantay sa ngiting dala mo sa buhay ko. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Hindi man ako ganoon ka-showy minsan, alam mo namang iniingatan ko lang ang pangako natin. But my heart knows exactly how important you are to me. I am so proud of you, my love. Lagi kitang ipinagmamalaki. At gusto kong tandaan mo ito palagi, kahit mapunta ka man sa pinakamababang punto ng buhay mo, hindi ka nag-iisa. Bukod kay Tita, ako yung babaeng paulit-ulit na sasagip sa’yo, maniniwala sa’yo, at mananatili sa tabi mo. Always remember that you are loved, appreciated, and valued. I will always root for you and support your dreams. “Be completely humble and gentle; be patient, bearing with one another in love.” Ephesians 4:2 Salamat sa pagmamahal mo. Salamat sa lahat ng sakripisyo, pag-unawa, at pananatili. And most of all, thank you Lord, because out of everyone in this world, ikaw ang ibinigay Niya sa akin. Ikaw ang pahinga ko, ang tahanan ko, at isa sa pinakamagandang patunay na totoo pala talaga ang pagmamahal. Happy 3rd Anniversary, my love. I will always choose you. 🤍 Forever yours, Your love, Lorraine. 🫧