Hello, Love. It's been a month. OMG, isang buwan lang ang nakakalipas nung huli tayong nag-usap? Yes, naalala ko 'yon at naaalala ko rin na hindi mo 'ko binati nung birthday ko. Wala naman akong tampo, mas nagtatampo ako nung in-add ako ng (ex) boyfriend mo (?) sa Facebook. Pano niya ako nakilala? Kinuwento mo ba sa kanya kung gaano ako ka charming, sexy, and hot as fuck? Don't worry, hindi naman ako selosa. Nagkabalikan ba kayo? That's a shame, I hope hindi kasi nabalitaan ko sinaktan ka niya? Well, hindi na para balikan ang nakaraan at pain na naramdaman mo, ayoko lang na nasasasaktan ka. You deserve better. Tangina niya. Anywaysz, I missed you. Wala lang, gusto ko lang mangamusta kahit hindi mo naman ako hinahanap at inaabangan ang mga love letter ko dito. Kumusta? Sige kahit huwag mo nang sagutin. Sana okay ka lang hehe. Ako okay lang naman (kung may pake ka), yung bahay irerenovate (di yung bongga ah, hampaslupa lang kami sis, bubong nga namin gigiba na, aray mo!), si mama at papa nagkabalikan haha pucha bahala sila sa buhay nila. Mag a-apply ako sa PUP, i hope makapasa. 'Di ako nakapag take ng exam sa DOST Scholarship eh, last minute nalang kasi ako nakapag pasa, tapos may kulang pa, sayang. Pero ayos lang, try ko din sa SM scholarship. Try ko lahat baby para sa future natin. Ay gagi typo, future ko* hahaha, so yun nga, kinamusta lang kita kasi baka magtampo ka at isipin na kinalimutan na kita, at ayaw kong magalit ka sa 'kin. Although, I'm supposed to move on, eh ayoko eh. Kahit mag asawa ka, crush pa rin kita eh. Hindi kita tatantanan, joke. Ayun nga, kahit sinubukan ko namang humanap ng iba for "distraction", wala beh... ikaw pa rin. So, I realized na wala akong choice kundi tanggapin ang katotohanan. Bata pa naman ako, tsaka na 'yan. Ang dami kong gustong sabihin pero umaatras ang dila ko. Basta gusto kita, mahal kita, lagi kitang iniisip, ayoko pang mag move on, bakit ba hindi tayo puwede, hindi ako makakapayag, please huwag ka munang mag asawa, o sige kahit maging friends nalang tayo pero ayoko ng friends ew there's no fucking way, basta ako ayaw ko ng pineapple sa pizza. Hays, I love you :)