← Back to archive
To: Duday uy11th of Jul, 2026

‎Hello, baby. Good morning! i know you‘re asleep right now, and i js want you to know that you don't have to keep saying sorry for what happened. what’s more important to me is that you chose to tell me the truth. please, ayoko nang marinig na nagsosorry ka pa tungkol doon. ‎ ‎you know, i’m really glad so, so glad that you told me the truth as early as you did. and what matters most to me is that nandito pa rin tayo, at nandito ka pa rin. ‎ ‎even though what you and your friend did broke my heart into pieces at that time, mas nangingibabaw pa rin sa akin ang halaga mo at pag mamahal ko sa’yo. kahit gustuhin kong magalit sa’yo dahil sa nangyari, hindi ko pa rin magawa. siguro dahil mas malakas pa rin ang pagmamahal ko sa’yo kaysa sa sakit na naramdaman ko. ‎ ‎alam mo naman kung gaano kita kamahal, Amyra. mahal na mahal kita. at sa kabila ng lahat, ikaw pa rin ang pipiliin ko. ang hiling ko lang ay maging tapat tayo sa isa’t isa palagi. para kahit anong pagsubok ang dumating, malalagpasan natin nang magkasama. ‎ ‎hindi ko naman sinasabing madali para sa’kin tanggapin lahat ng nangyari. masakit pa rin siya, and i know there will be times na maaalala ko pa rin lahat. pero ayoko namang hayaang yung nakaraan ang maging dahilan para mawala yung taong pinakamahal ko. ‎ ‎ang gusto ko lang is pareho tayong matuto sa nangyari. hindi para lagi nating balikan yung sakit, but para mas maging careful tayo sa puso ng isa’t isa. kasi for me, love isn’t js about staying kapag masaya lahat. it is also about choosing to understand, forgive, and stay even after you’ve been hurt. ‎ ‎and thank you kasi naging honest ka sa’kin. alam kong hindi madaling umamin, at mas pinili mong sabihin ang totoo kaysa itago habang tumatagal. i appreciate that more than you know. ‎ ‎baby, sana huwag mong isipin na dahil pinatawad na kita, wala nang naging impact sa’kin yung nangyari. it still hurts, really. ‎and the wound is still there. prro mas gusto kong makita kang maging better every day not because natatakot kang mawala ako, but because you genuinely want to love me the way i deserve to be loved. ‎ ‎hindi ko kailangan ng paulit-ulit na "sorry." Ang kailangan ko ay yung assurance na hindi na natin hahayaang maulit ito. Mas naniniwala ako sa mga pagbabago kaysa sa paulit-ulit na paghingi ng tawad. ‎ ‎mahal na mahal kita, Amyra. at kung may gusto akong panghawakan sa relasyon natin, iyon ay ang katotohanang kaya pa rin nating piliin ang isa’t isa pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin. sana baby, sa bawat araw na darating, piliin pa rin natin ang isa’t isa—hindi dahil perpekto tayo, kundi dahil handa tayong lumaban para sa pagmamahalan natin. ‎ ‎sleep well, baby. i hope when you wake up, you’ll remember one thing: kahit nasaktan ako, hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa’yo. mas lalo ko lang na-realize kung gaano kita kamahal. i love you, always :)

This letter moved you?

Dear you is free and independent. A coffee keeps it running.

☕ Buy me a coffee