I love you guys, dearly. To the point na kaya ko igugol buong buhay ko para sainyo pero dumarating ba sa point na na-appreciate niyo man lang ako? Most of the time, ang napapansin niyo sakin ang pagiging lagi kong galit. Pero inaalam niyo ba kung san nangagaling yun? Inaalam niyo ba na baka may pagkukulang din kayo sakin? Hindi porket ako yung "ate", yung panganay , e ako lang ang may mali. Sana man lang dumating ang araw na magpa- salamat kayo at humingi ng pasensya kasi kailangan na kailangan ko yun. Pag natanggap ko yan, magiging okay na ako ulit. Please, kasi kayo ang rason kung bat ko pinipilit na mabuhay sa araw-araw. Love, Ate