i never stopped loving you. I just stopped hoping that one day you'll change your mind and come back. i just stopped praying for you, instead i pray for you. mula nung nov 25, grabe talaga ang sakit na dinadaanan ko at hanggang ngayon dala dala ko pa rin. alam mo kung bakit di na'ko nagttext sayo nung nakaraan? sa sobrang bigat na nararamdaman ko, naisipan kong tumigil na para makausad na rin ako. pero wala eh, patungo parin sayo pa rin ang napupuntahan ko, at ang napala ko lang dun ay pagsisi. di ko nga rin alam bakit napapanaginipan pa rin kita, na para bang may silbi pa rin ako sayo. oo, titigilan ko na ang pagaasa na babalik ka pa dahil ngayon alam kong hindi na talaga mangyayari yon, ang hihilingin ko nalang ngayon ay sana mahalin ka rin ng ginugusto mo, saka nalang ako ngingiti ulit pag babalik ka, pero tandaan mo lang minahal kita ng totoo. pasensya ka na kung di kita masyadong pinapansin noong muling pagtagpo natin, sadyang wala lang ako masabi at hindi ko kayang tingnan ka dahil pinipigilan ako ng respeto ko para sayo. kung ang gusto mong lumayo, rerespetuhin ko iyon. ito rin ang dahilan kung bakit pinili kong layuan ka dati, kahit ayoko, kahit masakit. kaya rin minsan lang kitang kinakausap dahil pakiramdam kong napipilitan ka lang. sana dahil doon, hindi mo isipin na galit ako sayo. kahit kailan, di ako nagalit sayo. inakala mo lang yun dahil sa mga ginagawa ko. di man ako yung pinakamahusay na dati mong manliligaw at pinaka pogi, pero binigay ko talaga lahat sa'yo, at di ko binabalewala mga pangako ko sayo. everything i did was dedicated to you yung mga reposts, lahat ng notes, yung nag-iisa kong highlight reel, lagi rin ako nag iiwan ng mensahe sayo sa send the song, at kahit yung dump account ko, birthday mo yung lalabas pag viniew mo. siguro doon mo makikita kung gaano kalaki yung naging parte mo sa buhay ko, kasi halos lahat ng meron ako, may parte mo. and i hope you know that i met the happiest version of myself when i was with you. yk, i miss you, but you are not you anymore. i know that now. that version of you that i had, that i thought was real, no longer exists. i don't know who you are anymore, but i miss who you were. di ko man ito sinasabi palagi, pero proud ako sayo. proud ako sayo dahil nakayanan mong bumangon ngayon. proud ako sayo dahil andyan ka pa kahit alam kong may pinagdadaanan ka. proud ako sayo dahil kinakayanan mo yung sitwasyon mo ngayon. lagi akong proud sayo kahit di ko ito sinasabi, pero di lang dapat ako yung proud, dapat proud ka rin sa sarili mo dahil di alam ng iba ang pakiramdam maging ikaw araw araw. and you're doing great. at ang dahilan kung bakit gusto ko ipost tong video dahil ito ang araw na niligawan kita. at inaalay ko sayo yung kanta na yun mula nung nawala lahat. ito yung araw na nagsimula yung isang bagay na hindi ko akalain na magiging ganito kalaking parte ng buhay ko. nagpapasalamat rin ako dahil naging masaya ako ng isang buwan, kahit saglit lang. at kahit hindi tayo nagtagal, hindi ibig sabihin na maliit lang yung naging epekto mo sa akin. sigurado ako na hanggang ngayon, may parte pa rin sa akin na naghahanap sa taong nakilala ko noon. yung taong kausap ko hanggang gabi, yung taong hinihintay kong magmessage, yung taong kahit simpleng bagay lang, napapasaya ako. minsan naiisip ko kung ano kaya tayo ngayon kung hindi nangyari lahat ng nangyari. pero alam kong wala na akong mababago doon. marami akong gustong sabihin sayo pero siguro hindi ko na kailangan sabihin lahat. baka sapat na yung malaman mong minahal kita nang totoo at sobra pa sa sobra. hindi perpekto, maraming pagkakamali, maraming bagay na sana pwede ko pang ibahin, pero naging totoo lahat ng naramdaman ko para sayo. hindi ko pagsisisihan na minahal kita. kahit masakit yung naging kapalit, naging parte ka ng buhay ko na hindi ko basta mabubura at laging mananatili sa puso't isipan ko. ikaw yung taong napupuntahan ko dati sa t'wing wala na'kong mapupuntahan, ikaw yung taong naging tahanan ko, at kahit hindi na ako makakabalik doon, nagpapasalamat pa rin ako na minsan, nakauwi ako sayo. at ngayon, kung saan ka masaya, dun nalang rin ako. kasi pagkatapos ng lahat ng nangyari satin, gusto ko pa rin na makita kang masaya. hindi ko man alam kung ano na yung mga bagay na nagpapasaya sayo ngayon, kung sino yung mga taong kasama mo, o kung saan ka na dinadala ng buhay mo, sana mahanap mo pa rin yung saya na minsan nating nahanap sa isa't isa. sana yung mga alaala natin, yung mga gabing naguusap tayo hanggang gabi, yung mga simpleng bagay na tayo lang ang nakakaintindi, at yung mga araw na pareho tayong masaya, manatili pa rin sayo kahit papaano. hindi ko hinihiling na bumalik yung mga araw na yun, gusto ko lang na kung saan ka man mapunta, may makapagbigay sayo ng saya na minsan nating binigay sa isa't isa. kasi kung may isang bagay man na gusto kong manatili pagkatapos ng lahat ng nangyari satin, yun ay yung sana maging masaya ka, kahit saan pa manggaling yung saya na yun. maybe someday, hindi na kita mamimiss the way i do now. maybe someday, hindi na masakit maalala itong araw nato. hindi mo alam kung gaano kadaming gabi kung san kinukumbinsi ko yung sarili ko na bitawan ka na, habang kumakapit parin ang puso ko sa pag-asang baka sakaling babalik kapa. pero ngayon, kailangan ko munang tanggapin na dehins kana babalik. hindi na ako maghihintay. hindi na ako aasa. hindi dahil alam kong hindi ka nang babalik, pero dahil natutunan ko na minsan, kahit mahal mo ng lubusan yung isang tao, kailangan mo pa ring tanggapin na hindi na talaga kayo para sa isa't isa. salamat sa lahat. salamat sa panahong naging masaya ako dahil sayo. salamat sa mga alaala, sa mga tawanan, sa mga simpleng moments na hanggang ngayon dala dala ko pa rin. salamat dahil kahit saglit lang, naging malaking parte ka ng buhay ko. and if this affects our friendship then this will probably be the last time I'll ever talk to you, but i just want you to know one last thing before it happens, i'll always wish the best for you. hindi na bilang taong naghihintay na bumalik ka, kundi bilang taong minahal ka nang totoo. you were my home, you meant everything to me, it's you, it's always been you and forever will be. this day will also mark the day i finally had the courage to tell you how i felt. this will serve as my final act of love, finally letting you go. now, i guess it's time to leave the restaurant. the restaurant that i stayed and waited for you to come back for one year. i loved you then, i love you now, "I just want you to know that i love you so much ah, and it'll stay that way forever." Ggraduate na'po ako sayo:)